Madalas, kapag may pumuna, unang sagot ang marami naman ang matino. Kaya kung marami nga, bakit kailangan pang iba ang unang magsabi na may mali?

Kung may maling ginagawa ang kahanay, ang mga matino ang dapat unang kumilos para maituwid at mapanagot ito. Hindi yung saka lang maririnig ang boses nila kapag may taga-labas nang pumuna o kapag nadadamay na ang pangalan ng buong hanay.

Kung talagang mahal ang propesyon, mas pinoprotektahan ito sa pagharap sa mali at pag-una sa pananagutan kaysa pagkampi.