Ang takot ay kayang magpasunod at magpatahimik. Kaya maaaring maging tahimik ang isang lipunan.

Ngunit ang katahimikang dulot ng takot ay hindi pa nangangahulugang may tunay na kapayapaan. Ang tunay na kapayapaan ay nabubuo sa hustisya, pagtitiwala, at sa patas na pagpapatupad ng Rule of Law.

Ang katahimikang nakasalalay sa takot ay madaling mabasag. Ang kapayapaang nakaugat sa Rule of Law ang mas may kakayahang tumagal.