Ang pagdalo sa SONA ay hindi pagpanig sa Pangulo. Bahagi ito ng tungkuling makinig, magsuri, kumontra, at maningil.
Hindi prinsipyo ang pagliban dahil lamang sa banggaan sa politika. Ego ang nauuna kapag mas mahalaga ang pagdistansiya kaysa pagharap sa tungkulin.
Sa puwestong pampubliko, hindi dapat mas mabigat ang alitan kaysa pananagutan sa bayan.