Hindi kasalanan ng mamamayan ang ulan, bagyo, baha, at iba pang sakuna. Ang pagnanakaw, pagpapabaya, at abuso ay pananagutan ng mga nasa kapangyarihan.

May karapatan tayong maningil sa gobyerno kapag pumapalpak ito. Pero kapag ibinebenta ang boto o maling pamantayan ang paulit-ulit na ginagantimpalaan, may bahagi tayo sa pagpapanatili ng sistemang nagbibigay ng puwang sa parehong uri ng pamamahala.

Kapag maling pamantayan ang paulit-ulit na ginagantimpalaan sa eleksyon, ang siklong iyon ang patuloy na nabibigyan ng panibagong mandato.