Sa bawat paglilitis, may magkasalungat na panig. Hindi iyon ang problema. Bahagi iyon ng prosesong nagbibigay sa bawat panig ng pagkakataong magharap ng ebidensiya at ipagtanggol ang kanilang posisyon.
Doon nasusubok ang tunay na integridad ng hukom. Habang ang prosekusyon at depensa ay ginagawa ang kani-kanilang tungkulin, ang senator-judges ang inaasahang manatiling patas at magpasya batay sa ebidensiya at proseso, hindi sa pinapanigan.
Kapag ang hukom ang pumili ng panig, hindi na lamang isang desisyon ang naaapektuhan. Ang prinsipyong dapat maghatid ng tunay na hustisya ang unti-unting pinapatay.