Kapag school safety ang pinag-uusapan, hindi sapat na maging handa lang kapag may nangyari na. Mas mahalaga ang tuloy-tuloy na paghahanda ng mga paaralan upang mas maging handa silang makaiwas, makatugon, at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa anumang emerhensiya o banta.

Ang pag-iwas sa mga banta ay hindi nagsisimula pagkatapos ng trahedya. Nagsisimula ito sa maagap na pagkilala sa mga senyales at sa maagang pagkilos bago pa may mapahamak.

Ang pinakamabigat na kapalit kapag ang school system ay naghihintay muna ng trahedya bago seryosong kumilos ay ang mga inosenteng mag-aaral na maaari sanang hindi naging biktima.