Hindi pa ito NASA-level mission at hindi rin ito rocket na kayang magpadala ng satellite sa orbit. Pero totoong rocket technology ang ihahanda, susubukan, at pag-aaralan ng mga Pilipinong engineer.

May karapatang kuwestiyunin ang plano, gastos, kaligtasan, at pakinabang nito. Pero kapag ayaw sa nagsabi ang dahilan ng pagkutya, hindi na proyekto ang sinusuri—personal o politikal na pagkiling na ang pinaiiral sa paghusga.

Ang tunay na kritisismo ay nakabatay sa ebidensiya; ang pamumulitika ay humahatol bago pa man suriin ang ideya.