Mabigat ang pag-uugnay sa isang tao sa armadong rebelyon. Kung may sapat na ebidensiya, dapat itong suriin sa ilalim ng batas. Ngunit kapag label ang nauuna kaysa sa ebidensiya at tamang proseso, hindi lang isang tao ang nalalagay sa alanganin.

Kapag nasanay tayong maniwala agad sa mabibigat na paratang nang hindi muna humihingi ng sapat na ebidensiya, mas madaling mapalitan ng opinyon ang katotohanan at ng paghusga ang rule of law.

Sa huli, ang pinangangalagaan natin ay hindi lang ang isang tao, kundi ang pamantayan kung paano dapat manaig ang katotohanan at batas.