Kapag may akusasyon at ebidensyang inilalabas, hindi sapat na motibo ng nag-aakusa ang sagutin. Puwedeng may pulitika sa likod nito, pero hiwalay pa rin ang tanong kung may factual basis at sapat na ebidensyang sumusuporta sa alegasyon.

Kaya parehong kailangang suriin ang intensyon, bantayan kung patas ang proseso, at timbangin kung ano talaga ang ipinapakita ng ebidensya. Hindi awtomatikong guilty ang inaakusahan—pero hindi rin dahilan ang posibleng political motive para isantabi ang pagsusuri sa akusasyon at ebidensya.

Dahil kapag motibo ang paulit-ulit na ipinapalit sa sagot, ang hindi nahaharap ay mismong tanong kung may pananagutan ba talaga batay sa ebidensya.