Maaaring maging mahalagang pagkakataon ang Pax Silica para sa bansa. Pero ang tunay na sukatan ng tagumpay nito ay hindi lang kung gaano ka-advance ang teknolohiya, kundi kung gaano kahusay itong mapamamahalaan.

Kapag may malinaw na pananagutan, matatag na regulasyon, at balanseng pagprotekta sa kalikasan at seguridad sa pagkain, mas lumalaki ang pagkakataong maging tunay na pakinabang ito sa bayan.

Sa huli, hindi teknolohiya ang unang mananagot kapag nagkaroon ng pagkukulang. Ang epekto nito ay sa bawat mamamayang apektado ng mga maling desisyon.