Kapag ang marahas na pagkamatay ng tao ay ginagawang meme, katatawanan, o entertainment, hindi lang ang paggalang sa buhay ang unti-unting nawawala. Unti-unti ring nagiging normal ang pagtawa at pangungutya sa pagkamatay ng tao dahil lang sa magkaiba ng paniniwala o magkaibang panig.

Maaaring magkaiba tayo ng paniniwala, panig, o personalidad na sinusuportahan. Pero ang mga iyon ay hindi sapat na dahilan upang mawala ang paggalang sa dignidad ng tao, kahit sa oras ng kanyang kamatayan.

Kapag ang pangungutya sa pagkamatay ng tao ay unti-unti nang nagiging katanggap-tanggap dahil lang sa panatismo o pagkakaiba ng paniniwala, unti-unti ring nawawala ang hangganan ng tama at mali. Doon nagsisimulang mabulok ang moralidad.