Kapag pabor sa pinaniniwalaan ang isang salaysay, madaling tanggapin kahit kailangan pa itong suriin. Kapag kumontra naman sa pinapanigan, madaling itapon kahit kailangan pa rin itong busisiin.

Diyan nagiging kain-suka ang paghusga: hindi dahil nagbago ang kalidad ng ebidensiya, kundi dahil nagbago kung kanino pabor ang salaysay. Kapag pakinabang ng panig ang nagdidikta kung alin ang paniniwalaan at alin ang itatapon, pabago-bago na rin ang pamantayan.

Kung prinsipyo ang batayan, pareho ang busisi kahit pabor o salungat sa sariling panig; kapag kampihan ang nagpapalit ng pamantayan, hindi na prinsipyo ang sinusunod.