May kamag-anak na kakampi, at may kamag-anak na hindi. Ganoon din sa kababayan—hindi dahil pareho kayo ng pinanggalingan, ibig sabihin may malasakit na agad.

Apelyido at passport ay pagkakakilanlan lang. Ang tunay na suporta, nakikita sa kilos—lalo na kapag umaangat ka at wala naman silang mapapala rito. At kahit may tunay na kompetisyon, hindi dahilan iyon para manira, mangharang o manghamak.

Normal lang na may comparison o konting inggit kapag may ibang umaangat. Pero kapag nauwi na sa paninira, pangmamaliit o paghila pababa, ibang usapan na iyon. Kung kailangan mong sirain ang iba para tumaas ang tingin mo sa sarili mo, hindi tagumpay nila ang problema—kilos mo.

Sa huli, hindi nababawasan ang halaga mo dahil umaangat ang iba; pero pananagutan mo kung paano ka kikilos dahil doon.