Ang impeachment ay hindi basta aksaya ng pondo ng bayan. Layunin nito ang pananagutang itinataguyod ng Konstitusyon, at pinangangalagaan ang checks and balances, upang may paraan ng pagpapanagot sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.

Sa pamamagitan nito, may mekanismong nagtitiyak na walang sinuman, gaano man kataas ang posisyon, ang maging lampas sa pananagutan.

Kapag ang pagpapanagot sa pinakamataas na opisyal ay itinuring na gastos lang, mas malaki ang maaaring maging halaga ng kawalan ng pananagutan kaysa sa pondong ginugol sa pagpapanagot.