Nagiging Divide Trap kapag hindi na pareho ang standard natin sa kakampi at kalaban. Sa politika, puwedeng magbago ang magkakampi at magkalaban—kaya delikadong itali ang prinsipyo sa isang kampo.

Hindi masama ang pumili ng panig o suportahan ang isang grupo. Ang mali ay kapag pareho nang kilos ang kinokondena sa kalaban pero ipinagtatanggol kapag sariling kampo ang gumawa.

Kapag mas inuuna nang protektahan ang kampo kaysa suriin kung tama o mali ang ginagawa nito, nagbabago ang papel natin. Mula sa mamamayang nagbabantay sa may kapangyarihan, nagiging tagapagtanggol tayo ng panig na dapat kaya rin nating kwestiyunin.

Kapag kampo na ang nagdidikta ng standard, unti-unti ka nang natatrap sa pagkakahating dapat sana ikaw ang nagbabantay laban dito.