Limang taon ang termino, kaya hindi maliit na bagay ang dagdag na dalawang taon kumpara sa dating 3-year framework. Mas matagal na ring hawak ng ihahalal ang kapangyarihang ipinagkakatiwala ng mga botante.
Ang dagdag na panahon ay puwedeng magbigay ng mas mahabang pagkakataon para magtrabaho at magpatuloy ng serbisyo. Pero iyon ding dagdag na panahon ang puwedeng magpalawig sa abuso at kurapsyon kapag maling tao ang nabigyan ng kapangyarihan.
Hindi lang mas mabigat ang pananagutan ng mananalo habang nasa puwesto. Mas kailangan din nating maging mapanuri sa karakter, rekord, at paraan ng paggamit ng kapangyarihan bago natin ito ipagkatiwala nang limang taon.
Mas mahabang termino, mas malaking dahilan para mas mabigat ang pananagutan sa bawat boto.