Hindi sapat na pagbawalan ang mga bata na gumawa ng account para sabihing protektado na sila. Ang tunay na proteksyon ay dapat patunayan sa nababawasang panganib at malinaw na pananagutan ng mga platform.
Kung madaling malusutan ang age verification at hindi naaaksyunan ang mga report o harmful content, nananatili ang panganib kahit may ban. Kapag hinayaang magpatuloy ang mga pagkukulang na ito habang ipinapakitang sapat na ang pagbabawal, hindi iyon child protection. Pagpapabaya iyon na pinagmukhang solusyon.
Hindi sa dami ng na-block na account nasusukat ang tagumpay ng proteksyon, kundi sa nabawasang pinsala at pananagutang aktuwal na naipapatupad.