Hindi kailangang full suspension sa bawat araw na masama ang panahon. Pero hindi rin dapat automatic na physical attendance ang sagot dahil lang walang bagyo o wind signal. May puwang sa gitna para sa flexible learning kapag ang actual na kondisyon at biyahe ang problema.

Face-to-face ang dapat manaig kapag ligtas at maayos ang kondisyon. Kapag delikado ang biyahe kahit walang suspension trigger, dapat may malinaw at consistent na flexible learning option.

Kapag walang consistent na ikatlong tugon, pamilya ang naiiwan sa pakiramdaman at antayan. Minsan nakabihis na, nakabiyahe na, nakapasok na, o nakapag-adjust na sa trabaho ang magulang bago dumating ang desisyon. Ang resulta: oras, pamasahe, pagod, abala, at exposure sa panganib ang sinasalo ng magulang at mag-aaral dahil huli o paiba-iba ang implementation.

Kung may flexible option pero hindi predictable at consistent ang paggamit nito, pamilya pa rin ang sumasalo ng uncertainty.